So nag-reklamo ako sa pagkawala ng internet ko. The connection was there but the internet was simply “unreachable”. So tumawag ako sa tech support ng Smartbro. Ang sabi nila… may activity dun sa base station. Ang sabi ko… ano yung activity? walang masabi ang loka. di daw alam. ayan… sabi ko kung gusto nyang malaman kasi kilala ko yung may-ari nung bahay kung saan naka-base ung cellsite nila. Ayun! check ko daw uli after two hours. After two hours… hahaha! ayos na naman ung internet ko. Suuuss!!! kung di mo pa tatakutin…

Nga pala, for those na gustong pabilisin ung smartbro connection. I think nakuha ko na ung configs.

First: Run gpedit.msc (group policy editor). Ingat lang kayo sa paggamit ng tool na to. Walang sisihan.Ung Windows kasi nagreserve ng 20% ng bandwidth para sa ‘personal’ na gamit nito. E kaso, nangangailangan din tayo ng extra pang bandwidth kaya kukunin natin to. Sundan nyo lang to: Local Computer Policy > Administrative Templates > Network > QoS Packet Scheduler > Double-click Limit reservable bandwidth > Enable > Bandwidth limit% set nyo to 0. Tapos click OK. Di na kelangan ng reboot. Ok na yun.

Next: Change nyo yung QoS config ng canopy nyo. Access nyo to through Internet Explorer http://169.254.1.1. Tapos punta kayo sa Configuration > Quality of Service (Qos) Change nyo ung mga settings.

Sustained Uplink Data Rate : 500 (kbps) (Range: 0– 1000 kbps)
Sustained Downlink Data Rate : 500 (kbps) (Range: 0– 1000 kbps)
Uplink Burst Allocation : 1000 (kbits) (Range: 0 — 1500 kbits)
Downlink Burst Allocation : 1000 (kbits) (Range: 0 — 1500 kbits)

Tapos click nyo ung Submit tapos click nyo reboot para ma-save ung changes.

Finally: Test nyo sa http://www.dslreports.com/stest ung speed nyo.

Sa akin nag-shoot ng 400 kbps ung speed ko. Walang problema sa uTorrent.

Enjoy po. Kung di po nag-work sa inyo e… magpakabit na lang po kayo ng iba. Hehe!

Popularity: 2% [?]