May ilang buwan na rin naman akong gumagamit ng smart bro at hanggang ngayon di ko pa naman nararanasan ang mga problemang nababasa ko dito sa forum na ito. ngunit ndi dahil sa ganon eh sinasaluduhan ko na ang Smart, malaki pa rin ang utang nila sa mamamayang handa namang magbayad sa dapat ay de-kalidad na serbisyo.

Nais ko lamang sanang ibahagi sa mga mambabasa ang milagrong naranasan ko kahapon. nagkaproblema ata ang smart kahapon kaya ang bilis ng aking koneksyon ay hindi bumaba sa 2 MBPS umabot pa nga ng 5 MBPS ang koneksyon ko buong tanghali hanggang hapon kahapon. nagdali dali akong nagdownload ng kahit anong pwedeng idownolad para lang hindi mapalagpas ang naturang milagro. wala lang.

Sana araw-araw ganon.

Popularity: 2% [?]